Ang moral na ligalig ng Agosto-Setyembre taong 1995 ay nakasandal sa ilang istereotipo sa mga rakistang banda

03 Dec 2025

Ang saliksik na ito ay pumapaksa sa kasaysayan ng moral na ligalig (moral panic) noong Agosto-Setyembre taong 1995 kung saan inakusahan na ang tema ‘di umano ng ilang mga popular na awitiin ng bandang Eraserheads, Yano, at Teeth ay naglalaman ng promosyon ng Satanismo at droga. Sentral na may-akda ng moral na ligalig na ito ang iba’t ibang sektor gaya ng Junior Drug Watch, Citizen’s Drug Watch, at mga pulitiko sa pangunguna ni Senador Vicente “Tito” Sotto III. Hindi rin maikakaila ang gampanin ng media sa may bahid ng eksaheradong pagbabalita sa bagay na ito.

Itinatampok sa saliksik ang kronolohiya ng mga pangyayari mula sa pagsasakonteksto ng popularidad ng mga rakistang banda noong kalagitnaan ng dekada nobenta; mga awiting inakusahan na naglalaman umano ng mensahe ng promosyon sa droga partikular dito ang “Alapaap” ng Eraserheads, “Laklak” ng Teeth, at “Iskolar ng Bayan” ng Yano; pagkatha ng akusasyon mula sa opisina ni Tito Sotto, JDW at CDW; media circus sa nasabing mga buwan; at sa huli’y mga naging tugon at hamon sa mga bandang inaakusahan.

Natatangi ang moral na ligalig na ito sapagkat lumilitaw na hindi maikakaila na nakasakay sa popularidad ng mga bandang nabanggit ang akusasyon. Hindi rin maikakaila na nakasandig ang moral na ligalig na ito sa ilang istereotipo sa mga nagbabanda gaya ng pagiging adik at Satanista at sa kabilang banda’y nakasangkapan ang isyu sa ibang agenda ng ilang mga kasangkot.

Ang kahalagahan ng saliksik na ito ay mahahanay sa pagpapayabong ng dikurso sa interseksyunalidad ng kasayasayan at araling musikang popular tungo sa higt na pag-unawa ng mga natatanging danas ng mga musikerong Pinoy sa ugnayan nila sa iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng pamahalaan, midya, simbahan, at iba pa.

Author: Kevin Paul D. Martija (Department of Social Sciences, College of Arts and Sciences, University of the Philippines Los Baños)

Read the full paper: https://journals.upd.edu.ph/index.php/humanitiesdiliman/article/view/10266/9092

Image by Pexels from Pixabay