Ang pagbibiro ni Duterte tungkol sa kaniyang phallus ay walang matibay na kahulugan sa loob at labas ng Pilipinas

03 Feb 2025

UP Los Baños

Mula sa dalawang pahayag ni Rodrigo Duterte hinggil sa kaniyang aring lalagpas sa pusod (2019) at kaniyang sariling pagpapakahulugan sa utog (2017-2019), sinuri kung paanong namayani, tinanggap, at pinagtawanan ng mga tagapakinig ang ganitong uri ng biro. Ito ay maituturing na pagpapatingkad ng karahasan at kabastosan sa panig ng kababaihan at sa mga taong itinuring niyang “mahihina.” Mapanganib kung tutuusin ang mga birong ito ni Duterte dahil dinidiyastipika lamang nito ang diskriminasyon sa usaping phallus ng kalalakihang Pilipino. Sa maraming pagkakataon, pinoproblema ng ilang kalalakihang Pilipino ang sukat ng kaniyang phallus. Higit pa rito, nagtanim siya ng “baluktot” na paniniwala sa katawan at kalinangang Pilipino. Hinihikayat ng pag-aaral na ito na pasukin ang diskurso sa pag-aaral ng mga genitalia bilang bahagi ng “pagkataong Pilipino” na may kani-kaniyang kahulugan. Lumabas sa pag-aaral na ang “kawalang saysay” ng pagbibiro ni Duterte sa kaniyang “malaki” at “mahabang” phallus ay kapwa walang pinagbatayang kahulugan—sa Pilipinas man o sa labas nito. Halimbawa, magkaiba ang kahulugan ng titi at bayag sa sinaunang pamayanan, ang huli ay mas may kinalaman sa “tapang” na siyang nasasalamin na wala sa dating Pangulo dulot ng kaniyang kapabayaan lalo na sa West Philippine Sea. Samantala, sa Kanluranin lalo na sa sinaunang Greko-Romano, ang pagkakaroon ng mahaba at malaking phallus sa mga sining ay senyales ng katangahan at kawalan ng talino. Idiin pa nga rito ang pagpuntirya ng mga sinaunang Griyego sa pagpapana sa suso at puki ng kababaihang Amazon—sa paniniwalang gynophobia ang umiiral sa mga sudalong Griyego. Katulad ni Duterte na minsang pumuntirya na barilin sa puki ang kababaihang NPA at ang ilang “pagkatakot” niya sa mga strong woman.

Ang aking pananaliksik ay primaryang naging mahalaga para sa mga sumusunod:

1. pag-aaral ng kultura at katawan (body)—habang pinagkaabalahan ng mga naunang pag-aaral ang pag-aaral sa “pagkataong Pilipino,” hindi gaanong nabibigyang-pansin ang pagbibigay-kahulugan sa genitalia (phallus at/o vagina), gayong sa Kanluraning talastasan ito ay matagal nang nakapapasok sa mga diskurso. Ayon kay Bryan Turner (1992), mahalagang mabigyan ng tuon ang somatic society o pag-aaral ng kultural, politikal, at sosyolohikal na pagtingin sa katawan.

2. pagwawasto sa maling paggamit ng katawan—sa pamumuno ni Rodrigo Roa Duterte (2016-2022), nasaksihan ang misogynita, impunidad, at anti-kababaihan niyang mga talumpati. Pinuntirya niya ang kababaihan at mga kalaban sa politika sa pamamagitan ng paggamit at/o pananagkapan sa kaniyang titi (phallus)—na aniya’y “malaki” at “mahaba.” Naging bahagi rin ng kaniyang talumpati ang pag-uutos sa militar na “barilin sa puki” ang kababaihang pinaghihinalaang NPA. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyang-linaw at may layuning iwasto ang maling pananaw sa phallus na ipinamamayani ni Duterte, kaya’t tinawag siya bilang “phallocrat.” Makabagong pananaw ang pag-aaral na ito sa usapin ng kasarian at seksuwalidad sapagkat iginigiit nito na ang “phallokrasiyang pananaw” ni Duterte ay walang pinagbabatayang kalinangan, kultura, at labas na sa kaasalang Pilipino.

Author: Axle Christien J. Tugano (Division of History, Department of Social Sciences, University of the Philippines Los Baños)

Read the full paper: https://www.plarideljournal.org/article/ang-popularidad-ng-phallic-jokes-isang-kritikal-na-pagsusuri-sa-mga-phallokratikong-pahayag-ni-rodrigo-duterte-sa-midya/#google_vignette